going back to my childhood days
Saturday, April 30th, 2005i stumbled upon this survey on my friendster bulletin board. i don’t usually answer friendster surveys, in fact i have only posted once! eh ang tagal ko nang may account! i have nothing against it though! siguro try ko ulit minsan.. hindi ko pa lang sha feel ngayon. anyway, i found this survey interesting and i just want to share it here. =)
1.Naglalaro ka ba ng Langit Lupa?
==>oo naman noh! batang kalye ako dati! hehe…
2. Natatandaan mo pa ba ang kanta sa
Monkey Monkey?
==>i think so…hmm…yep! i remember! i just sang it outloud! =P
3. Saan ka mahilig magtago pag naglalaro
kayo ng Taguan?
==>sa likod ng water pump namin dati
4. Hanggang saang bahagi ng katawan ang
abot mong talunin pag naglalaro ka ng 10-20?
==>hanggang ilalim ng kilikili! haha! favorite ko to nun! every morning before class starts and every after dismissal, 10-20ng walang humpay!
5. Nagkasugat ka na ba dahil sa maling
pagtalon sa larong Luksong Baka?
==>luksong tinik linaro ko eh
6. Ilang tsinelas na ang napudpod mo sa
paglalaro ng Tumbang Preso?
==> never played this game
7. Ano ang madalas mong pamato sa Piko?
==> ordinary stone lang! i didn’t really played Piko often… iilang beses lang yata!
8. Hanggang anong oras kayo inaabot pag
naglalaro kayo ng Patintero?
==> naku! late na! mga until 9 or 10 yata nung sa Quiapo pa kami nakatira!
9. Saan niyo nilalaro ang Shato?
==> nakalimutan ko na kung ano to! pero familiar eh!
10. Ano ang madalas na "base" niyo sa
larong Agawan Base?
==>black(block? ewan) 123 tawag namin dito eh! at yung magkaharap na pader sa basketball court sa street namin ang ginagawa naming base.
11. Hanggang ilang jackstones ang kaya
mong pulutin sa isang talbog ng bola sa larong
Jackstones?
==>10!! ok ako sa jackstones eh!
12. Ginagamit mo ba ang itim na stick para
panungkit sa larong Pick Up Sticks?
==>minsan.. usually i just use my hands. mas madali eh!
13. Saang grupo ka madalas pag naglalaro
ng Cops and Robbers? Sa Cops o Robbers?
==>eh take turns naman to diba? so pareho lang!
14. Madalas ka bang maging taya sa larong
Habulan?
==>hindi! mabilis ako tumakbo eh.
15. Malakas niyo bang binibilang ang mga
numero pag naglalaro ka ng Nanay Tatay?
==>when i was younger oo! pero after some time hindi na! mas challenging kasi!
16. Gaano ka katagal maging taya sa larong
Pass The Message?
==> uyy!! haha! miss ko na to! isa din to sa favorite kong laro noon! magaling ako dito! hindi ako mashadong natataya!
17. Naglalaro ka ba ng Tic-Tac-Toe kahit may
klase?
==>oo naman! pero mas uso nun ang SOS eh!
18. Nakapaglaro ka ba ng SOS sa graphing
paper?
==>oo naman! patok nga kasi to samin nun!
19. Alam mo ba yung laro sa pad paper na
Sabugan ng Tangke?
==> OO! gusto ko nga yun eh! hahaha! nakakatuwa naman tong survey na to! naha-hyper ako!
20. Naniwala ka ba dati sa kapangyarihan ng
FLAMES?
==>not seriously… pero shempre kinikilig pa din ako at nalulungkot ng konti depende sa resulta!
21. Sa palagay mo, may katotohanan kaya
yung hula sa iyo noon nung naglaro ka ng MASH?
==>ano na nga to? nakalimutan ko na! mas sikat samin yung FLAMES eh!
22. Nagta-tumbling ka ba sa larong Chinese
Garter?
==>ay nako! asa pa ko! HINDI! never ko natutunan mag-tumbling tumbling!
23. Sa tingin mo, malalaro pa kaya ng
susunod na batch ng kabataan ang mga larong ito?
==>ewan ko lang… i hope so! parang hindi kumpleto kabataan mo pag hindi mo to pinagdaanan!